Responsible Parenthood and Reproductive Health Law
INTRODUKSIYON
-Ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law of 2012(Republic Act No. 10354) o mas kilala sa karaniwang tawag na Reproductive Health Law o RH Law, ay isang batas na nilikha upang siguraduhin ng pamahalaan na mayroong universal access ang mga mamamayan sa iba’t ibang paraan ng contraception, family planning, sex education at maternal care.
Maraming probisyon sa batas na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng mga wastong impormasyon at medikal na tulong sa mga babaeng nagdadalang tao, pagpapakalat ng mga kaalaman kaugnay sa wastong family planning at sex education, at malawakang distribution ng mga family planning devices tulad ng condoms, contraception pills at IUDs.
MGA BENTAHA(ADVANTAGES)
-Mabibigyan ng kaalam ang mga kabataan o ang ibang tao tungkol sa bagay na ito.
-Malalaman ng mga tao kung ano ang tama at mali tungkol sa mga bagay na ito.
-Kung susunod ang lahat sa batas na ito ay mababawasan ang populasyon sa ating bansa at possibleng masolusyunan ang pag hihirap ng mga Pilipino.
MGA DISBENTAHA(DISADVANTAGES)
-Tutulol ang ibang relihiyon dahil possibleng mangyari ang 'premarital sex'
-May ibang tao na hindi binibigyan ng halaga ang batas na ito kaya ginagawa parin nila ang kanilang mga gusto
-Hindi nabibigyan ng sapat na atensyon ang batas na ito kaya dumadami parin ang populasyon sa Pilipinas at ang mga naghihirap dahil dito.
KONKLUSYON
-Ang aking opinyon tungkol dito ay sangayon ako sa batas na ito ngunit dapat mas bigyan nila ito ng pansin dahil kahit may batas nga na ganto may mga tao paring hindi sumusunod at ginagawa lang nila ang kanilang mga gusto, naiinis din ako sa mga ganoong tao dahil hindi man lang nila iniisip kung anong mangyayari sa kanilang mga anak at pano ang kinabukasan nila. Nakakalungkot sobra sana balang araw mawala sa ating bansa ang mga ganitong problema.
Comments
Post a Comment